News & Events

ANG GANDA NG KULTURA, ANG LAKAMBINI AT LAKANDULA NG SBA!

KABANKALAN CITY, NEGROS OCCIDENTAL — Pinangibabawan ng School of Business and Accountancy (SBA) ang entablado ng kultura at karangalan sa katatapos lamang na Lakandiwa at Lakambini 2026, kung saan nagningning ang dalawa sa kanilang pinakamahusay na pambato.

Itinanghal bilang kabuuang reyna ng entablado si Angel Camille Ferraris (Lakambini #7), matapos niyang masungkit ang korona bilang Lakambini ng Wika 2026, kasama ang mga espesyal at prestihiyosong parangal na Mutya ng Antigong Alab at Binibining Liwayway. Ang kanyang talino, tikas, at pagtatanghal ng kultura ay humataw sa puso ng mga manonood.

Hindi rin nagpahuli ang gilas sa kabilang panig ng entablado nang iuwi ni John Karlo Ocat (Lakandula #7) ang pwesto bilang 1st Runner-Up at ang parangal na Baganing Liwayway Award para sa kategoryang Lakandula. Ang kanyang matibay na presensya at husay sa pagsasalita ay nag-iwan ng malalim na marka sa kompetisyon.

Simbolo ng Kahusayan at Dangal ng SBA

Southland College School of Business and Accountancy

SBA Chat

Contact the SBA office for help with programs and admissions.

Contact SBA